Hulyo 16, 2011
Ihahatid mo ako sa bahay kagabi.
Habang naglalakad tayo, bigla kang tumingin sakin at sinabi mong
“I love you.”
Napatingin ako sayo’t napasambit ako ng
“I love you too.” Ng nakangiti.
Hindi ka parin tumigil sa pagtingin mo’t bigla mong sinabing
“Ang ganda mo.”
Napatingin ako uli at biglang napatungo… Hindi ko alam ang gagawin ko.
Sa loob loob ko’y nagtatatalon ako sa tuwa: Ikaw palang ang nagsabi niyan sa akin.
Sa totoong buhay, andami ko nang nasabing kung ano ano, dahil nahihiya ako’t kinakabahan. Nagtatanong ka kung bakit, at ano ba yun ngunit, hindi ko talaga malaman ang gagawin ko’t magiging reaksyon sa sinabi mo.
Wala rin akong masabi, basta masayang masaya ako.
Masaya ako dahil ngayon lang ako nasabihan ng lalakeng mahal ko na maganda ako.
Ngayon lang may nagsabi sa akin ng ganun, bukod pa sa nanay ko.
At ngayon lang sinabi sakin yun ng mataimtim at totoo.
Malapit na tayo sa bahay, at tumigil na tayo sa paglalakad.
Hinagkan mo ang noo ko’t inakap ako ng mahigpit.
“I love you.”
Sinambit mo ulit.
“I love you too.”
Sagot ko. Inakap kitang mahigpit muli.
Tinitigan ko ang mukha mo’t itinuon sa utak ko:
Ikaw lang ang nagsabi non. Mahal na mahal kita. Salamat sa’yo.
At tayo’y naglakad na papalayo sa isa’t isa.
Natagpuan ko ang aking sariling nakatingala sa taas;
Nagpapasalamat.